Sangil: Nagkulang sa diskarte si Gina Lopez | SunStar

Sangil: Nagkulang sa diskarte si Gina Lopez

Time to read
1 minute
Read so far

Sangil: Nagkulang sa diskarte si Gina Lopez

Friday, May 05, 2017

Nalungkot ang maraming mamayan. Lalo na ang mga environmentalists. Parang bombang sumabog ng lumabas ang balita na si Gina Lopez ay ni-reject ng
Commission on Appointments (CA) ang kaniyang pagka-hirang bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Si Lopez na sana ang kasagutan sa pag-abuso ng mga nagmamay-ari ng mga minahan sa kalikasang yaman ng Pilipinas. Mahirap paniwalaan ang tinuran
ni Congressman Ronaldo Zamora, miyembro ng CA ng kapanayamin siya ng mga reporters at ang deklarasyon niya ay, 'passion for job and certain
convictions are not enough.' Si Zamora ay kapatid ng Manuel Zamora na isa mga may malaking minahan. Masyadong halata si Congressman. Sukat nga
nag-inhibit siya, dahil sa conflict of interest.

Magaling si Lopez. Siya ang nararapat sa DENR para pangalagaan ang ating kalikasan alang alang man lang sa susunod na henerasyon. Mayroon lang
akong puna. Sa loob loob ko lang, na mukhang mahina ang diskarte ng Lopez, o kaya nagkulang ng payo ang mga taong nakapaligid sa kaniya.

Heto naman ay isang unsolicited advice: Nung pagkahirang sa kaniya ni Pangulong Duterte sukat naghinay hinay muna siya. Hinimas himas muna niya ang ilang kasapi ng CA, at hindi agad mabagsik ang dating at pinasara ang mga ilang minahan. Ang naging resulta tuloy ng kaniyang hakbangin ay nagpulong ang organisasyong Chamber of Mines of the Philippines (COMP), isang malakas at mayamang grupo. At pinag-planuhan siya. Sana tinapos muna ang confirmation hearing, at pagkatapos ng kaniyang confirmation doon na niya banatan ang sukat banatan at wala ng magagawa ang mga ilang bayarang mambabatas.

Sa kultura ng isang Pilipino, tatanawin ng sino man na malaking utang na loob kapag siya'y natulungan sa panahon ng kaniyang pangangailangan.

Madalang na madalang ang pulitiko na tatangihan ang alok na tulong na pera sa panahon ng kampanya. Tiyak naman na kung ikaw ay isang nagmamay-ari ng minahan sa isang lalawigan, tiyak na may pondo kang ilalaan sa mga kakandidato. Kaya sino mang manalo tiyak mag-iisip mo muna ng sampung beses bago tatalikuran ka sa araw na kailangan mo siya.

Pati nga si Pangulong Duterte ay nalungkot sa rejection ng CA kay Secretary Lopez. Ng kapanayamin ng mga reporters ay nagpasaring pa ito na may malaking lobby money na umikot sa ilang miyembro ng CA. iyan ang katotohanan ng buhay. 'Money talks'.

My tweets:

Congratulations sa mga pumasa sa nakaraang bar examinations. Lalo na isang dating janitor at isang mama na senior citizen na hindi tumigil sa kanilang pagpipunyagi sa kanilang minimithi sa buhay. Mabuhay kayo. Sana pamarisan kayo ng iba.

Si Tito Sotto ay isang comedian. Mapagbiro. At hindi basta basta mabitiwan niya ang kultura ng showbiz sa kaniya kahit ngayong isa siyang senador. Nag-react tuloy ang libo libong mamayan sa kaniyang comment 'naano lang' na patungkol kay Kalihim Judy Tagiwalo ng DSWD.

Daming pasaway sa mga draybers, lalo na sa mga pampasaherong sasakyan. Bale wala lang yata sa mga Traffic Enforcers, LTO, HPG, PULIS. Ano ba
talaga mga kuyang?

Published in the SunStar Pampanga newspaper on May 06, 2017.

Latest issues of SunStar Pampanga also available on your mobile phones, laptops, and tablets. Subscribe to our digital editions at epaper.sunstar.com.ph and get a free seven-day trial.


View Comments